LESSON OF ANANIAS

THE LESSON OF ANANIAS Siguro maramami ang di nakakaalam kung sino si Saul at Paulo. Napakaganda ng ipinamahagi ng ating basahin ngayon, sa Acts of the Apostles 9. May dalawa lamang na characters ngayon, si Ananaias at si Saul. Kilala si Saul na very notorious, walang pinatawad sa mga sumusunod ni Kristo, ipinadakip niya sila, ipinipreso at ang iba ay ipinatay. In fact, si Saulo ang nag approve para sa kamatayan ni San Esteban. Noong natanggap ni Saulo ang sulat, na pwede niyang dakpin ang mga Kristyanos, umalis kaagad siya papuntang Damascus upang hulihin ang mga Kristyanos. Ngunit habang nasa daan siya papuntang Damascus, nagkaroon ng drama ang kanyang buhay, na siyang simula ng kanyang pagbabago o conversion. Nakita niya ang isang napakaliwanang na ilaw/bola, at tinawag siya ni Hesus at sinabi: Saulo Saulo bakit pinapahirapan mo ako? In short, bakit nilutos ni Saulo ang mga sumusunod ni Kristo? Dahil sa sobrang liwanang, naging bulag si Saulo, at sinabihan siya ni Hesus na magpunta sa Damascus at doon maghintay ng tatlong araw, fasting, walang pagkain o tubig. So ma imagine mo si Saulo, isang abugado, guro, mambabatas, ngayon ay isang bulag, walang silbi, gutom at uhaw. Ito yong proseso ng conversion o metanoia, change of heart. Imagine mo na lang yong sadness, luha, sakit, pait at pagsisi ni Saulo sa kanyang mga kamaliang nagawa. Habang nakaupo si Saulo at naghihintay, ipinakita naman sa kabilang dako si Ananias. Hindi siya yong Ananias, ang pangulong pari. Nagpakita ang Panginoon kay Ananaias at sinabihan siya: Bumangon ka, punta ka sa may kanto na pinangalanang Matuwid, at magtanong ka doon sa bahay ni Hudas tungkol kay Saulo na taga Tarsus, dahil sa ngayon, siya ay nagdasal. At totoo, habang nagdasal si Saul, nakita niya ang isang tao, si Ananaias, papalapit sa kanya at ipinatong ang kamay sa kanyang kamay. By the way, habang nag-uusap si Ananaias at ang Panignoon, parang nagreklamo si Ananaias, dahil alam niyang napakasamang tao ni Saulo, alam niya ang kanyang mga ginawa, lalo na ang pagkastigo at pagpapatay sa mga Kristyanos. Sabi niya, Narinig ko sa mga tao ang kanyang ugali, pati na ang pagsira ni Saulo ng mga Simbahan. Of course, si Ananaias at ang iba pang mga Kristyanos at natatakot kay Saulo, lalo na palapit na si Saulo kasama ang kanyang mga ksaundaluhan. Alam nila na sila ay mamamatay sa ngalan ni Hesu Kristo. Kaya, parang hinihintay na rin ng mga tao ang kanyang pagdating. Pero ni reremind pa rin ni Ananaias ang Panginoon, na sinasaktan at nilutos ni Saulo ang mga Kristyanos, at silang lahat ay pwedeng mamatay dahil kay Kristo. Makikita natin dito ang panghihina ng isang alagad, isang ordinaryong tao, tulad ni Ananaias. Nadala siya sa takot. Hindi bat ito ay isa ring pagpa alaala sa atin? Sa ating kahinaan? Sa ating takot? Ayaw nating magsalita ng katotohanan. May isang dangerous na tao, isang hudlom, nangnanakaw at nang aangkin ng ari arian, nilutos ang mga tao. Papunta siya sa inyo! Di ba nakakatakot? Hindi ba alam ng Dios na nakakatakot si Saulo? Of course alam niya! Ganyan din ang mga misyonaryo. Alam nila na nakakatakot ang buhay na papasukan. Kung kayat ang daming mga martyrs na missionaries, dahil alam nila, kahit sa kagipitan, nagsasalita sila ng katotohanan. Inaalay ang buhay nila para sa kapakanan ng mga tao. When people are persecuted, we should stand and be counted upon. Alam mo na na pinahirapan na ang sangkatauhan, kailangan nating kumilos! Iyan ang challenge para kay Ananaias. Iyan din ang challenge para sa atin. Gagawin ko ang lahat, hindi para sa akin, kundi para sa kapakanan ng lahat! Hindi lang na mananahimik ka sa tabi tabi, dahil binayaran ka! Tingnan mo ang iyong dignidad! Ipaglaban mo ang iba! Huwag kang maging masakim at makasarili! Kilalang kilala ng Panginoon ang totoong pagkatao ni Saulo, ngunit pinili pa rin siya ng Dios: Siya ay aking pinili at nakatatak na sa kanya ang aking pangalan, ipakilala niya ang totoong Dios sa mga Hentile, sa mga hari at sa mga anak ng Israel. Ipapakita ko sa kanya ang maraming bagay, mga milagro. Magdurusa siya dahil sa pangalan ko. Kung kaya, binigyan ng assurance ng Panginoon si Ananaias, na siya pa rin ang may control sa lahat. Gagamitin niya si Saulo sa maraming napakadakilang gawain ng kanyang kaharian. Si Saulo, ang chief sa lahat ng mga makasalan, na siyang lumutos sa simbahan at mga kristyanos, ay pinili ng Dios- to spread the gospel far and wide, Gentiles and non Gentiles will listen to him. Tapat si Ananaias sa Panginoon, kahit pa noong una, para siyang may takot, may duda sa pagkato ni Saulo. Pero hinahanap pa rin niya si Saulo, ipinatong ang kanyang mga kamay, pinagaling sa pagkabulag at ipinagdasal. It as isang simbolo ng bagong buhay ni Saulo, parang binyag sa mga kamay ni Ananias. Sa tatlong araw na siya bulag, walang kapangyarihan, maramdaman mo ang sakit ni Saulo, useless, bulag, walang kanin at tubig na mainom. Tatlong araw siyang nagtitiis, nagdurusa, nasa kadiliman ng kanyang buhay. Di ba ganyan din ang Panginoon? Tatlong araw siyang nasa kailaliman ng lupa, nanahimik, patay! Ngunit mayroon pagkabuhay muli. Ganoon din si Saulo, gumaling siya, nabuhay muli ang kanyang espiritu, nakakita uli ng liwanang. Ito yong tinatawag nating Rites of Passage. May panahon na dadaan tayo sa hirap at kadiliman, may sakit, may namatay, pobre, walang walang tayo. Parang ang dilim ng paligid! Pero matapos ang lahat ng pagsubok, magbalik ang ating lakas, mabuhayan muli, bagong pag-asa, bagong umaga. Kung kayat, noong nabuhayan uli si Saulo, nagbago ang lahat! Mas makapangyarihan pa pala si Hesus kaysa kanya. Hiningi ni Saulo na manatili ng ilang araw kasama ni Ananaias. Naging spiritual student siya ni Ananaias. Hindi natin alam kung paano, basta yon ang simula ng kanyang bagong buhay, si Saulo ay naging Paulo! Sa puntong ito, unti unting naglaho si Ananaias. Nging kilalalang magtuturo si Saulo. Maikli lang ang nalalaman natin tungkol kay Aananias, pero napakaimportante. Nakita natin ang isang alagad sa pagkatao ni Ananaias, natatakot din, nagdududa, nakipagtagisan sa Dios, pero nanatiling tapat sa Panginoon. Labag man sa kanyang kagustuhan, ginawa niya ang kagustuhan ng Dios. Kung kayat si Anananias ay ginamit ng Dios na isang mahalagang instrument para sa kaligtasan ng lahat. Dahil sa kanyang katapatan, ang simbahan ngayon ay may isang malalaking harvest- Tayo, mga sumusunod ni Khristu! Ito ang pinaka leksyon na makuha natin- Small acts of obedience to God, even if contrary to human reason, can have great significance. Ang ating pagsunod sa Dios, kahit man labag sa kalooban minsan, may may kahalagahan. Tayo ay limitado, ang pananaw natin ay hanggang abot kaya natin, pero ang paningin ng ng Dios ay malawak, pangkabuohan. Kaya kailangan maging tapat tayo sa kanya, sa kanyang salita, sa kanyang boses- hindi niya tayo pababayaan! Ang pangalang Ananaias ay galing sa Greko- HANANAIAH, na ibig sabihin, God is gracious. Maawain ang Panginoon, mapagpatawad. Sa Hebrew naman ang Ananias ay CHANANJA. Chanan ay nagkahulugang Mercy/ or favour. Awa at pinili. Ja means God. So ang Ananaias ay nagkahulugan Mercy of God, Favoured by God or Answered by God. At totoo naman na siya ay pinili, nakatatak sa kanyang pangalan ang awa ng Dios para sa mga makasalanan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Letter to my Mother

PAINFUL JOURNEY OF A JOYFUL SOUL- LETTER TO MY PRIEST BROTHER FR. ATILANO TABARANZA

RAUL, WHERE ARE YOU?